Huwebes, Marso 8, 2012

Liham

                                                                           
                                                                           Liham    -Xychi
  Naupo ako sa aking kama at naisipang buksan ang aking kabinet upang magbalik-alaala sa mga bagay-bagay na naitabi ko sa loob ng aking pulang kahon na dati'y pinaglalagyan pa ng pabango mula sa aking ina. Pulang kahon na kung saan nakatabi ang mga liham na mula sa aking mga malalapit na kaibigan at liham mula na rin sa iyo. Binasa ko muli ang iilan at ako'y nakaramdam ng kalungkutan at pangungulila. Naalala kong muli ang masasayang nakaraan na tila'y kahapon lang naganap..Sa pagkuha ko ng huling liham na nakapaloob sa isang matingkad na itinuping papel, bigla akong nakaramdam ng matinding pangungulila..Nasabi ko na lang sa aking sarili na, "Sana'y makasama na kita.." Kahit alam sa sarili na hindi sigurado kung masisilayan ka pa..Alam ko na maraming nagbago sa ating dalawa ngunit hinding-hindi ang matinding ugnayan na namagitan sa atin. Madalas akong makadama na ako'y nag-iisa ngunit salamat na lang at ito'y aking kinakaya dahil sa mga taong nagmamahal sa akin lalo na't sa  Poong May-Kapal. Pinanghahawakan ko pa rin ang mga nakaukit sa iyong mga liham na tila'y panghabambuhay..Oo, ako'y hirap na ngunit ano pa bang magagawa ko kung milya-milya ang layo mo sa akin, Ang mahalaga'y ginagawa mo yan para sa iyong ikauunlad at may maipagmamalaki ka sa iyong kinabukasan.. Ang nais ko lang maiparating sa'yo, kung nasaan ka man ngayon, andito lang ako..Naghihintay sa'yo habang patuloy na sumasabay sa agos ng buhay..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento